Thursday, July 14, 2011

For i am weak, I am Strong

Today, dami kong nareslize. Nag umpisa ang araw ko ng wala, akala ko this day will be unproductive and nothing special. Pumunta ako ns skul, akala ko makakapag aral ako, but then nabigo lang ako, nauwi lang ulit ako sa pag ikot ng skul para maghanap ng pwepwestuhan. Narealize ko na umuwi na lang , sa isap ko baka sa bahay makapag aral ako kahit papaano. Nakapag aral naman ako kahit papaano, ngunit ilang oras lang ang nakalipas nakaramdam na ako ng antok. Mga isang oras din ako nakatulog, bumalik ulit ako sa school para mag simba sa VICTORY  ng 7pm, kasama ko ang besbro ko na si MARLON. Dumating kami ng maaga sa church, iniiwasan na kasi namin mapunta ulit sa OVERFLOW ROOM. Pumwesto kami sa harapan kung saan kasama naming ang mga kapwa naming tamaraws. Yung oras na yun hindi ako ok, Dumating yung oras na muntik na akong umalis at iwanan na dun si marlon, ngunit parang may pumigil sa akin na umalis. Nag stay ako ng konti binalak kong tapusin na lang yung worship. Sa kalagitnaan ng worship, kinanta nila yung isa sa paborito kong worship song, “FROM THE INSIDE OUT.” Yung oras nay un nawala ang galit sa puso ko, kinausap ko lang yung diyos ko, itinaas ko lahat lahat sa kanya galit, tampo, at kung anu anu pang nararamdaman ko that time. Althrough out na nagdarasal ako hindi ko mapigilan yung luha ko na tumulo mula sa mga mata kong kagagaling lang din sa pagluha. Hindi ko alam pero binuhos ko lang lahat kanina. Natapos ang worship, ngunit nanatili na lang ako sa upuan ko. Naramdaman ko kasi na parang na empty ang puso ko ng mga sama ng loob at hinanakit. Hindi natapos sa worship ang lahat, bingyan ako ni god na maganda at napakasarap na mensahe,. Sinabi nya lang na lahat nga tayo may kanya kanyang kalakasan, ngunit sa kalakasan nay un hindi din mawawala ang kahinaan. Mahina ako sa totoo lang, physically, emotionally at spiritually. Pero tinapik lang ako ni God, sinabi nya lang na “ in our weakness, we are strong”. Binatukan lang ako ni God na hindi dapat ako magpapatalo sa kahinaan ko, God is stronger than our weakness. Hindi man ako matalino, hindi man ako kalakihan ang katawan, iyakin man ako alam ko God will help me to overcome those weakness and God will give me the power to say NO to SIN and always say YES to GOD.

For GOD BE THE GLORY.:)

1 comments:

JB said...

wow!! God has a wonderful plan sa life mo tandaan mo yan. :) we are willing to help you. Amazing tlaga ang Panginoon :)