Hindi na napigilan ni PO1 Sevilla ang sakit at hirap na dinaranas nya nung nakaraang araw July 21, 2013. Dulot ng Gutom at walang tulog hindi na nya napigilan ang mapaluha. Isa indikasyon na hindi lahat ng pulis ay abusado at walang prinsipyo, kahit na gutom at walang tulog nanatili pa rin syang nakatayo para panatilihin ang kapayapaan sa lugar na iyon.
Hindi ko malubos maiisip kung bakit umaabot tayo sa punto na kailangan nating magkasakitan para lamang sa matuwid na daan na tinutukoy ni Pnoy. Ganito ba talaga ang daan patungo sa progreso. Bakit kailangan ng ingay at sakitan kung pwede naman nating daanin sa magandang usapan at magandang komunikasyon.
Tama, mahirap na nga maalis sa ating mga pinoy ang daanin ang isang hinanaing sa isang mapangahas at maingay na paraan. Ngunit sana isipin din natin ang kapakanan ng mga taong wala namang kasalanan. Sana maramdaman ng mga lider ng kapatiran at gobyerno ang hinanaing ng ating mga pulisya. Tao lang din po sila, nakakaramdam at nasasaktan din. Unawain at pakinggan din po natin ang boses ng mga kapulisan na nadadamay lamang sa masamang imahe na ikinabit ng iilang kapulisan na nabulag sa kapangyarihan.
Sana isipin at mapakinggan ng mga kinauukulan kung bakit kailangan mangyari ang mga kaganapang ito. Mabuksan sana ang kanilang isipan sa istado ng bansa natin ngayon.
Isang pag saludo sa mga katulad mo PO1 Sevilla, sana maging huwaran ka din ng ibang kapulisan na walang ginawa kundi magpalaki ng tiyan at magpabulag sa kapangyarihan.