Natapos na ang kabanata ng Emilia Bldg hawsmate. Nakaklungkot isipin na magkakahiwalay na kami ng mga hawsmate ko na sila Gerald, Kua Nik,Gj,Edz,Fjordz. Ilang months lang ang tinagal namin sa Emilia after namin sa Marzan kung saan dun kami unang nagkasama sama sa iisang bahay. Nakakalungkot kasi for almost 3 years kami mgakakasama sa iisang bahay (although palipat lipat ) nakilala namin ng lubos ang bawat isa, minahal at tinanggap kung anu mang amoy at ugali meron ang bawat isa.
Kuya Nik ang Joker ng Bahay, yung pang aasar niya at ingay na binubuo ng matatabil ngyang bibig. Nakakamiss din yung mga pangaral at inspiring word na binibigay niya, sa talino at husay niya sa pagsasalita sino ba ang di mapapaniwala at mapapabelieve. Ito din yung taong subrang malambing at maaalalahanin na kung saan yun yung subrang namimiss ko sa kanya. Pero ganun talaga ang buhay, kelangan tanggapin na sa buhay walang permanente, kelangan nating tanggapin na ang panahon ay lumilipas din.
Si Edz ang dancer ng bahay. Nakakamiss yung mga dance move at yung mga maalindayog na musica ng radyo. Nakakalungkot kasi di naging ok yung pagtatapos ng aming kabanata bilang hawsmate. Nagkaroon kasi ng konting alitan na kung saan di talaga mawawala sa isang bahay. Siyempre di nagtatapos ang pagkakaibgan namin.
Si Fjordz ang writer ng bahay, Nakakamiss yung sibangot effects at ang inagy niya, haha siya kasi yung taong pagkausapan mo parang kausap mo siya sa malayong lugar, mabibingi ka sa lakas ng boses, pareho sila ni gj, hehe. Ito yung taong super lagi emoticons, lagi seryoso hehe. Nakakamiss yung mga panahon na lagi kaming magkasama, sa lahat ng mga gathering at gala lagi kami magkasama, Isa siya sa bumubuo ng barkadang "apat dapat" hehe. Malupit ito lalo na sa pagsusulat sa kanya ata ako nahawa magblog eh, Namimis ko nung bro na ito na kahit mejo sa ilang moments natitra namin sa bahay ay nagkaroon kami ng tampuhan. Alam ko naman na kahit di na kami magkakasama sa isang bahay, kasama pa din siya sa barkadang bumubuo ng buhay ko.
Si Gerald,Gj at ako na lang ang natitirang matibay.Ngayon magkakasama kami ulit sa iisang panibagong bahay na kung saan panibagong hamon at hawsmate naman ang haharapin namin. Hindi ko masasabi na ito na yung huling bahay na tutuluyan namin at hindi ko din masasabi kung hangang saan at kelan pa magtatagal ang pagsasamahan naming natitirang tatlo, Ngayon magkakasama kami sa panibagong tahanan, ang aming bagong bahay sa Miguilin, ito na yung pangatlong bahay namin and hope it will be the last and sana sa natitirang panahon na magsasama kami, mas makilala pa namin yung isat isa at magmahal na parang mga magkakapatid