Friday, December 14, 2007

I am Lost but became Chosen

"It Doesnt Show" di ko malimutan yung word na binitawan ng isang youth heads nung panahong nag kasagutan kami. Nagsimula ito nung di ako nakapunta ng aming Household kasam si gerald hawsmate at EVP din tulad ko. Naging mahirap sa akin intindihin nung mga oras na yun yung mga prinsipyo ni kuya ___. Di ko nakita yung logic kung bakit ganun na lang yung naging reaction nya sa nangyari. the story goes like this....



Wednesday, December 5, 2007 magaganap sana yung lingguhang Hawshold ng EVP pinamumunuan ito ni kuya Mj isa ding Youth Heads. Monday pa lang kung saan nagkita kami ni kuya mj sa perpetual kung saan umatend kami ng prayer miting nasabi na ni kuya mj na baka wala daw kaming HH ,kung saan natuwa ako di dahil ayaw ko mag HH,nagkataon kasi na natapat ng thursday ang aming Midterm sa Elex isang major subject, so di talag ako makakpunta kasi kelangang magreview. Pero nung dunating ang tuesday night bigla na lang nag text si kuya kj at nagsabing tuloy daw ang HH ngunit di siya ang maghehead kasi sa kadahilanang Graduation niya. Nalungkot ako kasi di ako makakpunta, kaya agad akong nagsabi sa kanya na di talaga ako pupunta. Sumagot naman siya ng "OK" So naging ok na sa akin pero nung dumating ang wednesday kung saan HH day namin, nagkataong di din makakapunta ang mag kjasama ko sa HH kung saan na kin init ng aming mga heads. nagtext si kuya mj na naghihintay na daw yung secret head namin na kung saa di namin talaga alam kung sino. at s adulo ng text nya nasabi nya ang "effort naman" na di ko nagustuhan. Dapat magrereply ako sa text nya para dumepensa dahil kung effort man ang pag uuusapan dapat ang HH ng EVP laging kumpleto. Pero di ko ito ginawa isinalan alang ko yung isang impotanteng araw sa buhay niya ang, graduation. Ngunit nga 5:30 ng hapon biglang nagtext si kuya ____ na galit at pinapaalala lahat ng tughkulin namin bilang EVP sa HH namin at nasabi nya dun na " HH ba ng EVP to IT DOESNT SHOW" naginit agad ang tenag ko dun kaya bigla ako nag reaply at dun na nag simula ang napakahaba naming pagtatalo.



Sa katunayan nakakasakal talaga yung mataas na expectation ng ibang tao, dapat patunayan mo sa kanila na isa kang responsableng leader kapalit ng pagtanggap namin ng service namin ngayon. Ngunit dumating sa panahon na napagod ako, at nasakal na sa mga DOs and DONT nila. Madami talaga akong ayaw sa mga rule ng nila, este gusto ko yung mga rule ayaw ko lang ng pmamalakd nila para sundin yung mga rule na yun. Nkakatamd kasi sumunod kung yung leader mo na nagsasabi na dapat ito yung sundin mo eh sila pa yung nagugunang sumuway. Nasakal ako totoo sa mataas na expectation nila na dumating sa pagkakatong ayaw ko na. Di ko painakita sa kasamahan ko sa bahay kung anu yung nangyayari sa kin, nagpanggap ako na kunwari nasa peak pa din ako ng sevice ko. Pero maskara ko lang yun, ang totoo susuko na dapat ako. Dami kong kaswayan at kasablayang ginawa na tingo ko sa mga taong mamalapit sa akin. dumating sa panahong gusto ko ng baguhin lahat, pati pananw ko. Gusto kong gawin yung mga ginagawa ng mga karaniwang ginagawa ng pang karaniwang studyante sa PANAHONG ito. Sablay kung sablay pero yun kasi ang naramdaman ko nun. Nagawa ko yung mga bagay na di iisipin ng ibang tao na mgagawa ko. I admit naging sinner talag ako peo nagtatago lang ako sa maskara ng isang mapangahas at nasasakal na lalaki. lumubos na ang kasablayan lumubog na ang katahimikan.



Pero di ko kinaya. Di ko kinaya na iwan yung mga taong nagturo sa akin ng madming bagay. Di ko kayng iwan yung mga taong naging kapatid at totoo sa kin. Di ko pala kayang lokohin yung mga taong sa araw araw ay nakakasama ko at nagsilbing kapatid na para sa akin. di ko kayang lokohin at dayain yung nasa puso ko. Mas lalo na di ko kayang mawala at iwanan ang diyos na subarang nagmamahal sa akin. Ngayon pinipilit kong baguhin yung mga bagay na naadopt ko a mga taong samantalang sumama sa akin, at pinipilit kong ibalik yung pagtitiwala na binigay ko dati sa mga taong di nang iiwan sa akin. Ngayon akoy nagbabalik at pipiliting di na muling maramadan ang pagiisa at kalungkutan nadama nung mga oras na akoy nagpadala sa liwanag ng kasamaan.


Ngayon naiintindihan ko na sila(youth heads). Tamang CONCERN lang pal talga sila sa mga nasasakupan nila at wala silang ibang gusto kundi mahalin at intidihin din sila tulad ng pagmamahal at paiintindi nila sa amin. Di dapat ako sumusko o nagpapinpluwensyaNgayon narealize ko na ang bituin ay di lang pala isang palamuti sa langit nagsislibi din pala silang isang gabay at liwanag sa madilim na daan. Nagsisilbi din silang instrumento para mangarap at isang simbolo ng isang pag asa. Sila nagyon ang bituin ko at sa susunod gagawin kong magong isang bituin din ng ibang tao. Noon nawala ako at nagsilbing patay na bituin sa kalawakan pero ngayon pipilitin kong maging isang bituing kikislap at nining ning sa mga buhay ng mga tao. I am lost but i am chosen..


i am your star!!


and i am chosen!!!


Bituing Walang NING NING




Nakakatuwang pagmasdan na si liwanag ng buwan at katahimaikan ng langit ay makikita mo ang mga bulalakaw na ngasisibaksakan mula sa kalawakan. Sadyang nakakatuwang pagmasdan habang ika'y nakahiga at sumisilip sa maliit na bintana ng iyong silid ang mga nagsisiklapang mga bituin na para bang nakikipaglaro sa iyong mga tingin. Pero sa oras na yun kung saan mag isa akong nakahiga at nagmamasid sa maaliwalas na l;anguit sa tabi ng aming silid ay napakadaming kasipan ang bumalot sa aking kaisipan. Napagtanto ko na ang bituin ay mahahalintulad mo din sa buhay ng isang tao, na kung saan kung anung taas at kislap ng pangalan mo or katayuan mo sa buhay may posibilidad na MAPUPUNDI ka at BABAGSAK. kung gaano ka man kumislap at kung gaanu ka man kaganda sa paningin ng tao. may pakakataong mangungupas ka din at mawawalan ng ning ning.

Nakakatuwang pagmasdan na mula sa kalawakan ay makikita mo yung mga bituing minsan mong tinangala ay babagsak na sa lupa, ngunit nakakalungkot na realidad para sa tao. Halimbawa na lang natin yung mga tinatawag nating bituin sa pinilatang tabing o yung mga iniidolo nating artista na hinahangaan natin at sinsabing bituin. Marami sa kanila na yung kislap ng panahon nila ay mapupundi din, mawawala at babagsak din. Nakakalungkot na realidad pero kelangan tanggapin. Kelangang tanggapin at harapin na sa pagbagsak nila ay kasama na pagkawala ng kanilang kaning ngingan. Mahahlimbawa ko din ito sa alitaptap kung saan kasabay ng kanilang pakapundi ng kanilang daladalang liwanag ay ang katapusan ng kanilang buhay.

Minsan kelanagan nating tanggapin na yung daladala nating liwanag o ningning ay pansamantala lamang, pansamantala na kung saan dapat nating mahalin. Ang liwanag ng buhay ay may katapusan din, itoy kelangan nating taggapin at harapin. Ngunit sadyang mapalad tayo, BITUIN KA MAN NA WALANG NING NING, balang araw ay magnining ning ka din at kikislap ng walang katapusang ningning at magsisilbing liwanag din ng ibang tao. Mgiging isa kang malaking liwanag basta ipaubaya mo lang sa may kapal ang yung pagkislap, at kasabay ng yung pagkislap ay ang pagusbong ng muling pag asa para sa ibang bituin na minsan ay bumagsak at ang liwanag mo ang magsislbing liwanag din ng ibang tao at sabay kayung lilipad at ikakalat ang liwanag at magkakalat ng kapayapaan sa mga napupunding bituin,. Sadyang ang nasa itaas lang ang mgabibigay ng liwanag sa atin kung saan magbibigay ng malaking liwanag na titinagalain ng sinumang makakita nito. Ang diyos ang magiging ilaw mo at ang diyos lang ang makakapagbigay ng ning ning sa atin.