Nakakatuwang pagmasdan na si liwanag ng buwan at katahimaikan ng langit ay makikita mo ang mga bulalakaw na ngasisibaksakan mula sa kalawakan. Sadyang nakakatuwang pagmasdan habang ika'y nakahiga at sumisilip sa maliit na bintana ng iyong silid ang mga nagsisiklapang mga bituin na para bang nakikipaglaro sa iyong mga tingin. Pero sa oras na yun kung saan mag isa akong nakahiga at nagmamasid sa maaliwalas na l;anguit sa tabi ng aming silid ay napakadaming kasipan ang bumalot sa aking kaisipan. Napagtanto ko na ang bituin ay mahahalintulad mo din sa buhay ng isang tao, na kung saan kung anung taas at kislap ng pangalan mo or katayuan mo sa buhay may posibilidad na MAPUPUNDI ka at BABAGSAK. kung gaano ka man kumislap at kung gaanu ka man kaganda sa paningin ng tao. may pakakataong mangungupas ka din at mawawalan ng ning ning.
Nakakatuwang pagmasdan na mula sa kalawakan ay makikita mo yung mga bituing minsan mong tinangala ay babagsak na sa lupa, ngunit nakakalungkot na realidad para sa tao. Halimbawa na lang natin yung mga tinatawag nating bituin sa pinilatang tabing o yung mga iniidolo nating artista na hinahangaan natin at sinsabing bituin. Marami sa kanila na yung kislap ng panahon nila ay mapupundi din, mawawala at babagsak din. Nakakalungkot na realidad pero kelangan tanggapin. Kelangang tanggapin at harapin na sa pagbagsak nila ay kasama na pagkawala ng kanilang kaning ngingan. Mahahlimbawa ko din ito sa alitaptap kung saan kasabay ng kanilang pakapundi ng kanilang daladalang liwanag ay ang katapusan ng kanilang buhay.
Minsan kelanagan nating tanggapin na yung daladala nating liwanag o ningning ay pansamantala lamang, pansamantala na kung saan dapat nating mahalin. Ang liwanag ng buhay ay may katapusan din, itoy kelangan nating taggapin at harapin. Ngunit sadyang mapalad tayo, BITUIN KA MAN NA WALANG NING NING, balang araw ay magnining ning ka din at kikislap ng walang katapusang ningning at magsisilbing liwanag din ng ibang tao. Mgiging isa kang malaking liwanag basta ipaubaya mo lang sa may kapal ang yung pagkislap, at kasabay ng yung pagkislap ay ang pagusbong ng muling pag asa para sa ibang bituin na minsan ay bumagsak at ang liwanag mo ang magsislbing liwanag din ng ibang tao at sabay kayung lilipad at ikakalat ang liwanag at magkakalat ng kapayapaan sa mga napupunding bituin,. Sadyang ang nasa itaas lang ang mgabibigay ng liwanag sa atin kung saan magbibigay ng malaking liwanag na titinagalain ng sinumang makakita nito. Ang diyos ang magiging ilaw mo at ang diyos lang ang makakapagbigay ng ning ning sa atin.
2 comments:
ahaha.. teka, napunding alitaptap? tshugi na ba yun? waaaaaaaaaaaaah! buhay pa naman ako ah... huwaaaaaaaaah..
champ, tshugi na ba ako? ahaha!
wow ang galing moh kuya CHAMP tama lahat ng sinabi moh arujusko..ahahahaha!!!
Post a Comment