Sa kabila ng ilang buwan na di pagdalaw sa munting bahay ng aking kalayaan ay heto na muli at nagbabalik para ipagpatuloy at bumuo ng mas maayos at malilikhaing kaisipan na magiging sisidlan ng aking malikot na kaisipan. Sa ilang buwang ako'y namahinga, napagod at nagkubli ng aking mga emosyon, sa kakaibang paraan hinahanap hanap ko pa din ang munting tahanan ng aking kalayaan.

Namiss ko yung ganito, kakaiba talaga pag nailalabas mo yung mga nararamdaman at naiisip mo sa ganitong paraan. Nung muli kong binuksan ang blog kongg ito di ko maiwasang mapangiti sa mga naisulat ko. Ang sarap palang balik balikan yung mga pangyayari dati na naisulat mo mula sa iyong experience. Natuwa ako sa mga comment ng iba na sayang at di ko nabasa. Nanghihinayang ako sa panahon na sana ay naibahagi ko man lang sa lahat ng aking kaibigan mula sa blog na ito yung mga panahong masaya ako, yung panahong nawala ako, yung simpleng kwento ng buhay ko.

Pero tapos na yun, nandito na muli ako at nagbabalik, muling gagawa at magpapatuloy ang ikot ng aking buhay mula sa blog na ito.

Sa simula ng aking pagpapatuloy sa pagtuklas at paglikha ng makukulit na imahinasyon akoy umaasa na ako'y muli yung bibisitahin. salamat. :)
2 comment | leave yours ?  
Sa wakas makakapag blog na ulit ako, ilang buwan na din natutulog itong bahay ko na kung saan naiwanan ko na lang siya na nakatuwangwang, marumi at di maaus. Ilang linggo na pala ako di nakakapagkwento sa munti kong tirahan ng mga sulating nagkkwento ng buhay ko sa pang araw araw.

Kamusta na ba talaga ako?

Masaya Ba?/

Malungkot?

Masaya nga ba ako ngayon?? masaya sa mga nakakasama at nakikilala ko, sa mga ginagawa ko at sa inaasal ko.? May mga oras na piling ko malaya na ako. Nagagawa ko na kasi yung mga bagay na gusto kong gawin. Nasusubukan ko nayung mga bagay na dati pang kumukulit sa aking imahinasyon. Nakilala yung mga taong gusto ko makasama, bagamat ibat iba ng mga ugali at persipsyon sa buhay, masaya pa din ako na nakakasama ko sila. Nasubukan ko na ding ipakita yung totoong ako, yung ako na ilang taon na ding nakubli sa pagkukunwari. Mahirap gawin, mahirap isipin pero minsan masarap ding kumawala at gawin yung mga bagay na gusto mo, mapabawal man o mapabuti.

Ibang mundo na nga ba yung kinagagalawan ko, o hamon lang ito na dapat kung harapin.? Kagaya ng dati , gusto ko makawala sa makamundo kong sarili . Gusto to ko maipakita sa lahat kung anung meron ako, kung anung pwede kong gawin. nagunit sadyang pinangungunahan lang talaga ako ng takot na sumubok, natatakot na baka mamaya ay magkamali at masakatan.

Sa unti unting pagtuklas sa sarili ko, di ko maiwasang bumagsak at umiyak. Masakit pala! Sa pagtahak ko sa daang di ko pa nadadaanan, minsan naliligaw din ako, di ko malaman kung saan ba talaga yung tamang daan. Di ko alam kung saan ba talaga ako patutungo.

Sumuko na din ako na parang gusto ko na lang ng ganito na lang ako, mag isa , batang invisible.! Pero kung hihinto ako, panu ako magggrow? Panu ko malalaman yung talagang direksyon ng buhay ko. Panu ko malalaman yung worth ko.

Kaya ngayon patuloy pa din ako lumalaban, patuloy na nagmamasid at tumutuklas ng mga bagy na makakapagbigay ng direksyon ng meaning ng buhay ko.

Narealize ko na sa pagtahak mo sa daang patungo sa diyos mo at sa sarili mo, di mawawala yung madadapa ka, mauuhaw, mawawala sa tamang daan. Ngunit sa patuloy na di pagsuko, pagtayo, at pagsubok sa mga daang matitinik at mababanging bahagi ng buhay, doon mo makikita na yung gusto mong malaman at madiskubre ay nakuha mo na. Sa simpleng pagtayo at di pagsuko sa mga pagsubok ay isa ng senyales na malakas ka at di ka nagiisa, may worth ka at di ka talunan. Mapapatunayan yan ng mga taong patuloy na sumusuporta sayo at umaalalay.

Sa pagsubok ng buhay di ka mag iisa basta ang diyos ang iyong kasama.
3 comment | leave yours ?  
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nagmamahal. Masarap ngunit mahirap, masaya ngunit masakit, nakakabaliw ngunit masayang isipin. Ganito na siguro yung nararamdaman ko. Inlove na ba ako? o sinusubukan ko lang ang sarili ko na mabago yung paligiran na nakasanayan ko na. Sa totoo lang hindi na bago sa akin nag magmahal, ang magmahal sa kaibigan ay parang walang pinagkaiba sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ganun ako magmahal, paminsan minsan ay nasasaktan ngunit kadalasan naman ay naliligayahan. Ilang taon na din yung sumubok ako magamahal ng "special one" na masasabi ngunit sa di kasiguraduhan di ko na pinagpatuloy.

Meron nga bang special someone na masasabi?? Ganyan yung pagiisip ko noon, na para bang sapat na sa akin na may nagmamahal sa akin bilang kaibigan at turingang magkakapatid. Nguint napagtanto ko, kelan ko ba mararamdaman yung special love na nasasabi,?? Kelangan ko na nga siguro na panuorin yung pelikula ng idol kong si John Llyod para malaman ko kung anu ba talaga meron sa "special love".

"Everyday I've been thinking about you I can't stand another day without you Gotta memory that I hope comes true. Is this love? Every night a little hope is passing. Is there something here that could be lasting. Every beat of my heart is asking.Is this love? What was i thinking, Trustin' and believin' in you. Your words are misleading ,And now I feel like a fool
Is this Love?? " isa sa mga linya sa kanta ni Sarah Geronimo.

Napapnsin ko na din na sa ilang araw na ako ay malungkot, siya ang dahilan. Ang kasiyahan na nararamdaman kapag nakikita mo siya, at ang maapektuhan sa love story na pinanunuod sa TV. Kinikilig?? ito na ba yung pakiramdam na nararamdam ko, sa tuwing narerelate ko ang sarili ko sa pelikula ng romansa o sa twing siya ay aking makikita, o sa oras na siya ay kasama. OH MY GULAY!! Ito na nga ata. IN LOVE na ako.

Dapat na ba ako magsaya o dapat akoy matakot na. Dahil sa unang babaeng mamahalin ko ay baka mawala pa. Nakakatakot na baka sa unang pagkakataon ako ay sumablay pa, na baka matulad sa mga baliw sa pagibig na napunta sa kawalan.

Pero wala naman siguro masama kung aking susubukan na sa pagmamahal akoy muling magtiwala. Ang masaktan ay bahagi na ng buhay ng isang tao, at ang magmahal na siguro ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang patuloy na nasasaktan. Ngunit sa lahat ang pag ibig na nga ang pinaka misteryoso at pinaka masarap sa lahat, na kung saan lahat pwede makaranas at pwedeng makaramdam.

LOVE and LOVE until it HURTS no MORE!!
1 comment | leave yours ?  
Natapos na ang kabanata ng Emilia Bldg hawsmate. Nakaklungkot isipin na magkakahiwalay na kami ng mga hawsmate ko na sila Gerald, Kua Nik,Gj,Edz,Fjordz. Ilang months lang ang tinagal namin sa Emilia after namin sa Marzan kung saan dun kami unang nagkasama sama sa iisang bahay. Nakakalungkot kasi for almost 3 years kami mgakakasama sa iisang bahay (although palipat lipat ) nakilala namin ng lubos ang bawat isa, minahal at tinanggap kung anu mang amoy at ugali meron ang bawat isa.



Kuya Nik ang Joker ng Bahay, yung pang aasar niya at ingay na binubuo ng matatabil ngyang bibig. Nakakamiss din yung mga pangaral at inspiring word na binibigay niya, sa talino at husay niya sa pagsasalita sino ba ang di mapapaniwala at mapapabelieve. Ito din yung taong subrang malambing at maaalalahanin na kung saan yun yung subrang namimiss ko sa kanya. Pero ganun talaga ang buhay, kelangan tanggapin na sa buhay walang permanente, kelangan nating tanggapin na ang panahon ay lumilipas din.


Si Edz ang dancer ng bahay. Nakakamiss yung mga dance move at yung mga maalindayog na musica ng radyo. Nakakalungkot kasi di naging ok yung pagtatapos ng aming kabanata bilang hawsmate. Nagkaroon kasi ng konting alitan na kung saan di talaga mawawala sa isang bahay. Siyempre di nagtatapos ang pagkakaibgan namin.



Si Fjordz ang writer ng bahay, Nakakamiss yung sibangot effects at ang inagy niya, haha siya kasi yung taong pagkausapan mo parang kausap mo siya sa malayong lugar, mabibingi ka sa lakas ng boses, pareho sila ni gj, hehe. Ito yung taong super lagi emoticons, lagi seryoso hehe. Nakakamiss yung mga panahon na lagi kaming magkasama, sa lahat ng mga gathering at gala lagi kami magkasama, Isa siya sa bumubuo ng barkadang "apat dapat" hehe. Malupit ito lalo na sa pagsusulat sa kanya ata ako nahawa magblog eh, Namimis ko nung bro na ito na kahit mejo sa ilang moments natitra namin sa bahay ay nagkaroon kami ng tampuhan. Alam ko naman na kahit di na kami magkakasama sa isang bahay, kasama pa din siya sa barkadang bumubuo ng buhay ko.



Si Gerald,Gj at ako na lang ang natitirang matibay.Ngayon magkakasama kami ulit sa iisang panibagong bahay na kung saan panibagong hamon at hawsmate naman ang haharapin namin. Hindi ko masasabi na ito na yung huling bahay na tutuluyan namin at hindi ko din masasabi kung hangang saan at kelan pa magtatagal ang pagsasamahan naming natitirang tatlo, Ngayon magkakasama kami sa panibagong tahanan, ang aming bagong bahay sa Miguilin, ito na yung pangatlong bahay namin and hope it will be the last and sana sa natitirang panahon na magsasama kami, mas makilala pa namin yung isat isa at magmahal na parang mga magkakapatid
2 comment | leave yours ?  
Finally it happened!!

Last saturday, july 05,2008 ginanap ang pinaka fresh at pinaka aabangang FRESH PARTY ng taon, isang astig at napakalupit na activity ni God para sa mga Freshmen ng campus based.

Isang kakaibang experience at saya ang naramdaman ko nung mga araw na yun. Una na ang mahigit kumulang na participants from YFC FEU-EAC ang dumalo at nakisaya sa napakalupit na party ng taon. Nakaka tuwa kasi isa to sa unang pagkakataon na kung saan naranasan ng YFC FEU-EAC ang makapagdala ng ganung bilang ng participants sa nasabing activity. Mahirap kung mahirap na masasabi na ihandle ang ganung kadaming participants lalo na na hype na hype sila sa activity. Nakakapaos ng boses, nakakapagod magsalita GUTOM na kung masasabi pero behind all that stress and pagod ay yung happiness and yung sarap na mafifeel mo during that time na masaya mong nakikita sa kanilang mga mata yung kasiyahan.


Pangalawa, isang malupit na ULTIMATE BONDING EXPERIENCE (UBE) ang nangyari after ng Fresh Party. After ng fresh napagkasunduan ng iba na huwag muna umuwi at sulitin muna yung time na kami ay magkakasama. Nakakatuwang isipin na sa pagod at antok na nadadama ng mga tao ay napagisipan pa nilang magovernite. Isa ako sa mga unang umoo na kami ay magovernite. Pawan natabunan ng saya yung pagod na nadarama ko.

Sa bahay nila Ochie kami tumuloy. Ang saya ng mga oras na yun. 16 kami nagovernite, ang dami diba kaya ang saya. Nakasama ko yung mga taong di ko kilala, di ko gaanu kaclose, at yung mga taong ayaw magpakilala. Ang lupit kasi sa isang magdamag na kakclose ko silang lahat. magadamagang kwentuhan ng mga nakaktakot, kulitan, tawanan, kwentung elementary at mga kwentong wala naman sa topic ay nasisingit. hahaha ang lupit ng mga oras na yun. doon ko lang ulit naranasang mapaiyak sa kakatawa.

Nag pakaadik lang kami sa kape, kumain ng kung anu anu, nag sopas sa umaga, mami, champorado, pandesal, kape ulit, ham, cornedbeef at kanin. ang saya ang daming food. Isang malupit na bonding moments naman ng yfc ang nangyari, na tiyak na ttreasure ko at mauulit pang muli.


Salamt kina OCHIE, sa pagpapatuloy sa amin, sa pagpapakain sa amin at pagtanngap sa amin, salamat ng marami.
Sa mga nakasama ko na sila, Tj, N0Mar,VinCeNt,OcJie, PatRick,HarrY,ANgeLicA, Kaye Anne, KC,Jep,KhaYe,GlEnn, TiAmps,Dax,KiNg, SALAMAT ng madami sa napakasayng bonding moments.


NOOD tayo ALONE ah.. hehehe at Ang EneRgY!!!

GODBLESSS...
0 comment | leave yours ?  


Last may 25-27 2008 nag karoon kami ng Laesdership training sa FEU-Eac na ginanap sa Caliraya Re-creation sa Lumban Laguna. almost 100 of student leaders sa Feu-Eac ang dumalo sa nasabing activity na pinamunuan ng Student Afairs Office.





Malaking pribelehiyo na masasabi na mapasama bilang isang student leaders sa FEU-EAC. Sa nabanggit na Activity ng SAO, pinakita nito ng bilang isang leaders ay hindi isang burden o dagdag bigatin bilang isang istudyante bagkus nakakatulong pa ito para maging isang magaling na istudyante. Tama nga naman na masasabi na "many are called, but Few are Chosen". Sa dami ng istudyante dito sa FEU-EAC napakaswerte mo kung mapapasama ka sa mga leaders na masasabi.





Bilang isang LEADERS kasi hindi lang yan magaling dahil may pangalan siyang dala dala bagkus magaling yan kasi nasa puso nya ang pagseserve at hindi iniisip ang kung anu mang makukuha niya. Bilang isang leaders din, marunong ka dapat makinig, sa lahat iyan ang importante. Makinig ka sa mga co-leaders mo hindi lang lagi sa kURO KURO mo.
Marunong ka din dapat makialam, makialam sa tamang paraan, dapat alam mo ang lahat ng pang yayari di yung pag sasawalng bahala mo lang




Napakasarap na mapabilang sa isang organisasyon na kung saan hindi ka lang natuturing na isang leaders bagkus natuturing kang isang kapatid at pamilya. As President ng organisasyon ng Youth For Christ, mabigat na siguro masasabi ang hawakan ang ganitong org sapagkat hindi lang paglelead ang gagawin mo dito kundi magmamahal ng mga tao. Sa pagtanggap ko ng service na ito, hindi ko inisip yung hirap dahil sabi ko nga kanina wala nanmang mahirap na gawain kung gusto mo yung ginagawa mo.





Siguro Yung yung nagbigay spice sa pagseserve ko sa YFC, yung hamon na kelangan sa pagseserve kelangan magmahal at magmaghal ka lang ng mga tao. Napagtanto ko nga na toto ngang mahirap ng mg ato lalo na yung mga taong ayaw magpamahl. pero sa lahat ito pala yung pinakamasarap na gawin ang magmahal.
Act1:8
Sa LTS di ka lang tuturuan maging isang magaling na leader, pati ang pakikipagkapwa mo mo madedeveloped mo. sa pag slide sa mud na isa sa mga nagustuhan ko sa lahat ng mga activities dito sa Caliraya. First time to na mag paduilas sa napakataas na mudslide, na kung saan habang bumababa ka sumusakit din yung pwet mo sa kakapalo sa mga matitgas na bato at lupa sa ilalim ng slide nito.
Masaya yung experience na ito. dito ko kasi nakilala yung mga taong di ko ko madalas makausap. Dito ko din sila nakabonding yung mga taong madalas ay iniisnab lang ako. Masaya yung experience ko sa CAliraya. And promiswe ko babalik ako dito. at susubukan ko yung mga activities na diko nagawa like, wall climbing, Horse back riding, and etc..


0 comment | leave yours ?  
Now a days na hihilig na ako manoud ng mga anime series, dahil siguro ito nung napanood ko yung fushigi yugi. Dati adik siguro ako sa mga korean series, and napapbili ng kung anu anung dvd na korean series at movies sa Quiapo at Divisoria. Pero ngayon aling anime na din yung napapanoud ko at patuloy pa din sinisimulan ang pag kulekta ng mga pirated nd DVD ng Quiapo at Divisoria.


Siguro masasabi kong astig talaga ang manoud at magbasa ng mga manga, hindi dahil nakak aliw sila at nakaklibang. Sa anime kasi natototo ka sa mga story nila, maging positibo sa mga bagay na akala mo hindi mangyayayari. Ang paglaruan ng konti ang imahinasyon na nagiging isang dahilan para makapagisip ng kung anu anung mga bagay na makakabuti para sa iyo, at mga creativity na mgagawa mo sa isipan mo. Nakakaliw tignan yung mga eksenang, ganito kung saan pinaglalaruan yung isipan mo na para bang kahit na alam mong imposibleng mangyayari , ehnangyayari sa sarili mong isipan na para bang nagkakaroon ka ng sarili mong mundo at realidad.




Ito yung mga anime na tapos ko ng panuorin.


Fate/ Stay Night


Plot Summary:

Shirou Emiya lost his parents in a fire when he was young and was later adopted by a sorceror by the name of Kiritsugu Emiya. Although he was full of admiration for his adopted father and yearns to become an ally of justice, Shirou has limited powers and was unable to become a strong sorceror like his father. That is until one fateful day, he was drawn into the Holy Grail War and had to summon a female "Servant" known as Saber in order to protect himself. It turns out that the Holy Grail War involves a series of battles among powerful sorcerors to fight for the possession of a relic that will grant one's wishes, the Holy Grail. There are altogether seven "Masters" who can summon their respective "Servants" from different classes known as Saber, Archer, Rider, Berserker, Lancer, Caster and Assasin. These "Servants" have to hide their names in order not to reveal their weaknesses to the enemies. The story revolves around Shirou and his entanglement in the Holy Grail War.



Saint Beast
In the ancient past, the Highest level of angels, the Six Saintly Beasts reigned supreme as the beast kings. Two of the Saint Beasts disobeyed Gods order and was sealed away in a Hellish place. Now after thousands of days and nights, the barrier has weakend and they escape. So the remaining four must go to Earth and stop them from causing trouble.

0 comment | leave yours ?