Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nagmamahal. Masarap ngunit mahirap, masaya ngunit masakit, nakakabaliw ngunit masayang isipin. Ganito na siguro yung nararamdaman ko. Inlove na ba ako? o sinusubukan ko lang ang sarili ko na mabago yung paligiran na nakasanayan ko na. Sa totoo lang hindi na bago sa akin nag magmahal, ang magmahal sa kaibigan ay parang walang pinagkaiba sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ganun ako magmahal, paminsan minsan ay nasasaktan ngunit kadalasan naman ay naliligayahan. Ilang taon na din yung sumubok ako magamahal ng "special one" na masasabi ngunit sa di kasiguraduhan di ko na pinagpatuloy.
Meron nga bang special someone na masasabi?? Ganyan yung pagiisip ko noon, na para bang sapat na sa akin na may nagmamahal sa akin bilang kaibigan at turingang magkakapatid. Nguint napagtanto ko, kelan ko ba mararamdaman yung special love na nasasabi,?? Kelangan ko na nga siguro na panuorin yung pelikula ng idol kong si John Llyod para malaman ko kung anu ba talaga meron sa "special love".
"Everyday I've been thinking about you I can't stand another day without you Gotta memory that I hope comes true. Is this love? Every night a little hope is passing. Is there something here that could be lasting. Every beat of my heart is asking.Is this love? What was i thinking, Trustin' and believin' in you. Your words are misleading ,And now I feel like a fool
Is this Love?? " isa sa mga linya sa kanta ni Sarah Geronimo.
Napapnsin ko na din na sa ilang araw na ako ay malungkot, siya ang dahilan. Ang kasiyahan na nararamdaman kapag nakikita mo siya, at ang maapektuhan sa love story na pinanunuod sa TV. Kinikilig?? ito na ba yung pakiramdam na nararamdam ko, sa tuwing narerelate ko ang sarili ko sa pelikula ng romansa o sa twing siya ay aking makikita, o sa oras na siya ay kasama. OH MY GULAY!! Ito na nga ata. IN LOVE na ako.
Dapat na ba ako magsaya o dapat akoy matakot na. Dahil sa unang babaeng mamahalin ko ay baka mawala pa. Nakakatakot na baka sa unang pagkakataon ako ay sumablay pa, na baka matulad sa mga baliw sa pagibig na napunta sa kawalan.
Pero wala naman siguro masama kung aking susubukan na sa pagmamahal akoy muling magtiwala. Ang masaktan ay bahagi na ng buhay ng isang tao, at ang magmahal na siguro ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang patuloy na nasasaktan. Ngunit sa lahat ang pag ibig na nga ang pinaka misteryoso at pinaka masarap sa lahat, na kung saan lahat pwede makaranas at pwedeng makaramdam.
LOVE and LOVE until it HURTS no MORE!!