Thursday, November 25, 2010

YOU ARE LOVED (DON'T GIVE UP)

Isang malaking pagsubok ang dumating sa akin nung mga nakaraang linggo. Dito sinubok ang aking tiwala, pasensya,dangal at pagmamahal. Dito ko naramdaman ang pagkalugmok, takot at sama ng loob. Nalugmok ako sa isang kahihiyaan na kung saan sumubok sa aking pasensya, nakaramdam ng takot na baka unti unti mawala ang mga bagay na aking pinaghirapan at mga pagkakataon na kung saan ngayon ko lang nararanasan, at nakaramdam ako ng sama ng loob sa mga taong aking pinagkatiwalaan at tinuring na kaibigan. Masakit sa akin na mahusgahan ng tao lalo na sa mga bagay na wala namang katiyakan at katotohanan. Masakit na malaman na hindi pala lahat ng taong nakaharap sa sayo ay totoo. Nakakalungkot na malaman na hindi lahat ng taong malalapit sayo ay sumusuporta, minsan sila pa ang siyang gagawa at hahanap ng ikakabagsak mo. Nakaramdam ako isang hinanakit at sama ng loob hindi lang para sa mga taong pinagkanulo ako kundi pati sa aking sarili.

Ngunit kung titignan ko sa isang positibong pagtingin, masasabi ko pa ding pinagpala ako. Pinagpala ako kasi naranasan ko ang problemang iyon, nang dahil doon nakita ko ang mga totoong kulay ng mga kaibigan ko, napatunayan ko na hindi lahat ng taong malalapit sa akin ay toong kaibigan ko at mapagkakatiwalaan ko, nakilala ko yung mga taong may totoong concern sayo at sumusuporta sayo, nakilala ko ang mga masasabi kong bestfrend ko, nakakilala ako ng taong handang magbigay ng oras sayo, madamayan ka lamang, nakakilala ako ng isang besbro na kung saan tinuturing ko nag kapatid, at higit sa lahat nakakilala ako ng isang grupo bukod sa YFC na maituturing ko na ding isang pamilya. Nagpapasalamat ako sa diyos ko dahil binigay nya sa aking yung sitwasyong iyon. Kung hindi dahil siguro doon hindi ko makikilala ang mga taong totoo sa akin. Kung hindi dahil sa pagsubok na yun, hindi ko mararanasan ang mga bagay at kaibagan na meron ako ngayon. May nawala man, madami namang pumalit.

Napagtanto ko na totoo na hindi ka bibigyan ng diyos ng problema na hindi mo kayang kayanin. Hindi ka bibigyan ng isang sitwasyon o pagsubok  na wala kang matututunan. Tunay nga na isang malaking pagsubok lang ang problema. Hindi kailangan palakihin, hindi kailangang baliwalain.At hindi ka bibigyan ng sugat na hindi ka makakaramdam ng sakit. Ngayon mas natutunan kong mag mahal, magmahal ng mgamahal, ika nga "LOVE even the UNLOVABLE" kasi kung hindi natin sila mamahalin sinu pa ang magmamahal sa kanila.Salamat sa mga kaibigang tumulong, nagpahalaga, nag bigay ng oras, nagdasal at nagmahal. Dahil sa inyo mas lalo akong tumatag, dahil sa inyo naramdaman kong hindi ako nag iisa at may nagmamahal sa akin.



YOU ARE LOVED (DON'T GIVE UP) by Josh Groban