Friday, September 26, 2008

I am weak but im not a loser.

Sa wakas makakapag blog na ulit ako, ilang buwan na din natutulog itong bahay ko na kung saan naiwanan ko na lang siya na nakatuwangwang, marumi at di maaus. Ilang linggo na pala ako di nakakapagkwento sa munti kong tirahan ng mga sulating nagkkwento ng buhay ko sa pang araw araw.

Kamusta na ba talaga ako?

Masaya Ba?/

Malungkot?

Masaya nga ba ako ngayon?? masaya sa mga nakakasama at nakikilala ko, sa mga ginagawa ko at sa inaasal ko.? May mga oras na piling ko malaya na ako. Nagagawa ko na kasi yung mga bagay na gusto kong gawin. Nasusubukan ko nayung mga bagay na dati pang kumukulit sa aking imahinasyon. Nakilala yung mga taong gusto ko makasama, bagamat ibat iba ng mga ugali at persipsyon sa buhay, masaya pa din ako na nakakasama ko sila. Nasubukan ko na ding ipakita yung totoong ako, yung ako na ilang taon na ding nakubli sa pagkukunwari. Mahirap gawin, mahirap isipin pero minsan masarap ding kumawala at gawin yung mga bagay na gusto mo, mapabawal man o mapabuti.

Ibang mundo na nga ba yung kinagagalawan ko, o hamon lang ito na dapat kung harapin.? Kagaya ng dati , gusto ko makawala sa makamundo kong sarili . Gusto to ko maipakita sa lahat kung anung meron ako, kung anung pwede kong gawin. nagunit sadyang pinangungunahan lang talaga ako ng takot na sumubok, natatakot na baka mamaya ay magkamali at masakatan.

Sa unti unting pagtuklas sa sarili ko, di ko maiwasang bumagsak at umiyak. Masakit pala! Sa pagtahak ko sa daang di ko pa nadadaanan, minsan naliligaw din ako, di ko malaman kung saan ba talaga yung tamang daan. Di ko alam kung saan ba talaga ako patutungo.

Sumuko na din ako na parang gusto ko na lang ng ganito na lang ako, mag isa , batang invisible.! Pero kung hihinto ako, panu ako magggrow? Panu ko malalaman yung talagang direksyon ng buhay ko. Panu ko malalaman yung worth ko.

Kaya ngayon patuloy pa din ako lumalaban, patuloy na nagmamasid at tumutuklas ng mga bagy na makakapagbigay ng direksyon ng meaning ng buhay ko.

Narealize ko na sa pagtahak mo sa daang patungo sa diyos mo at sa sarili mo, di mawawala yung madadapa ka, mauuhaw, mawawala sa tamang daan. Ngunit sa patuloy na di pagsuko, pagtayo, at pagsubok sa mga daang matitinik at mababanging bahagi ng buhay, doon mo makikita na yung gusto mong malaman at madiskubre ay nakuha mo na. Sa simpleng pagtayo at di pagsuko sa mga pagsubok ay isa ng senyales na malakas ka at di ka nagiisa, may worth ka at di ka talunan. Mapapatunayan yan ng mga taong patuloy na sumusuporta sayo at umaalalay.

Sa pagsubok ng buhay di ka mag iisa basta ang diyos ang iyong kasama.

3 comments:

RJ said...

Ipagpatuloy mo lang ang iyong paglalakbay sa buhay... Tama ka, di ka nag-iisa.

********
Mahusay ang paggamit mo ng wikang Filipino sa blog na ito. Very contemporary.

Thedz Alarte said...

Wow!!! im shock,,,,... graveh kah.... dumugo ang ilong ko!!!!!!!

Yas Jayson said...

dumaan ulit pagkatapos ng mahabang panahon.

ehe. link p din?