Monday, July 19, 2010

Ang hirap pala pag terminal year ka na, lahat ng pressure matatanggap mo lalo na nung tapos na ang midterm at kailngang maghabol para pumasa. Di ko alam kung gagraduate ako naung October, ang hirap kasi ng mga subject ko ngayon. Sa katunayan may bagsak ako ngayong midterm pero di lang naman ako nag iisa. Isang patunay na kahit ang mga skolar nahihirapan sa term namin ngayon. Minsan pinanghihinaan na ako ng loob, gusto ko na sumuko at kunin na lang ulit yung mga subject na piling ko ibabagsak ko ngayong term. Iniisip ko kasi yung mga requirements na dapat ipasa, mga project na dapat tapusin, mga design na dapat ayusin at thesis defense na dapat paghandaan. Hell term kung masasabi ang term namin ngayon. Ngunit ayokong sumuko hanggat hindi pa natatapos ang term gagawin ko pa din ang lahat para makapasa. Gusto ko na din kasi makatapos. kahit na nag eenjoy pa din ako sa pagging istudyante, kelangan ko ng lumevel sa dapat kong kalagyan. Alam ko malayo pa ang mararating ko at dapat ngayon pa lang dapat ko na itong pag handaan. Hindi dapat paghinaan ng loob kung tayo ay bumabagsak, siguro nga mejo malabo pa ang direksyon kung saan talaga ako tutungo, ngunit marunong akong makinig at makiramdam para tunguin ang tamang landas kahit ito ay madilim. Alam kong may tutulong at tutulong sa akin para malagpasan ko lahat ng mga tinik at lusak na nkaharang sa daan ko patungo sa matuwid at malinaw na kinabukasan. Kaya ko pa ito. Kayang kaya pa, Wlang susuko, Kapit lang. walng bibitaw.
:)

Sunday, July 18, 2010

REKRUT

July 16,2010, Friday, kasama sila Jerome, Sam, Paolo, Paul at Amiel nanoud kami ng REKRUT isang Indie film na kasali sa Cinemalaya. Ito ang una kong pagkakataon na makakanuod ng isang Indie Film. Mahilig ako manuod ng pelikula lalo na kung ang pelikulang ito ay may suspense at komedya. Pinili kong sumama sa mga kaibigan ko na manuod ng isng indie film, hindi agad ako nag dalawang isip na sumama, hindi pa kasi ako nakakapanood ng isang indie film. Kaya agad akong umoo, isang oportunidad para makilatis at maranasan ko ang mapanood ang mga sinsabi nilang “low cost movie” ngunit pumapantay sa mga bigating pelikulang pinaggastusan.

Ang REKRUT ay hango sa tunay na pangyayari ito ay pinangununahan ng mga karakter na sina Emir ( Joem Bascon) at Lando ( JM De Guzman). Sila emir at lando ay isa lamang sa mga sundalong binuo ng mg military forces para sa isang classified operation. Ngunit ang samahang ito na binuo ng isang katapatan na paninilbihan ay siya ding sumira sa kanilang pangako ng katapatan.

Bilib ako sa twist na binigay nila sa pelikula. Nung una parang boring ang pelikula ngunit habang tumatagal nagkakaroon ka nang interest para tutukan ang mga susunod pang pangyayari. Kahanga hanga din ang mga artistang gumanap sa pelikulang iyon na kinabibilangan din nila Emilio Garcia, Alwyn Uytingco,Domonic Roco, Alchris Galura, Cj Ramos, Manuel Chua,Archie Adamos at Rob Sy. Tunay na kahanga hanga ang pagkakaganap nila sa mga karakter ng pelikula. Naroron din si Maxene Magalona na gumanap ng isang cameo role. Isang kahanga hanga ang pelikulang Rekrut. Tunay nilang binigyan ng buhay pelikulang pinoy.

Isa pa sa hinahangaan ko ngaun sa mga indie film ay ang mga artistang nagpapabayad lang sa murang halaga at minsan pa nga libre lang. Nakakabilib din ang mga produsyer na hindi natakot sumugal para lang matustusan ang mga gastusin ng pelikula. Kahangahanga din ang director ng pelikula na si Danilo Gomez Anonuevo na siya din ang sumulat nito.

Ako ay humahanga at patuloy na susuportahan ang pelikulang CINEMALAYA. Mabuhay ang pelikulang PILIPINO.