...
Sadyang mapanlinlang ang mundo ng tao. Minsan magulo, minsan payapa,minsan masaya ngunit pawang kalokohan lamang ang tangi kong nakikita. Sa bawat oras na tumatakbo sa araw araw ko ay pawang may sumusunod na nakaraan na di malimutan, pawang nakaraan na pilit na kumakarga sa likod mo na di ma naman mabitawan. madaming ala ala ang sumasagi sa utak ko, minsan masaya, minsan malungkot, nakakatuwa, nakakaloko ngunit sadyang minsan may nakakatakot, takot na bumalot na sa katauhan ko. Totoo nga siguro na kaikibat na ng buahy natin ang nakaraan, dito tayo kasi natuto, pinalakas at pinatibay. Naniniwala ako na " you're past will be your good teacher" kasi sa mga kamalian nating nagawa nung nakaraan ay pawang di na mauulit sa kasalukuyang. Dito kasi nakikita natin ang mga kamaliang nagawa natin na siyang nagtuturo sa atin na ituwid ang mga kamaliang yun. Ito yung tanging makakapagsabi na yung ginawa natin nung nakalipas ay kamaliang di na dapat ulitin, mga nagawang dapat bigyan pansin at kakulangang dapat punan.
Madaming alaala ang gumugunam gunam sa akin. Karamihan ay masaya ngunit madami din kalungkutan, madaming kalokohan ngunit madami ding kapalpakan, maraming pinaglaban ngunit sadyang madami ding panlilibak. Magulo ang buhay ko, magulo ang utak ko, pero masaya ako. Masaya ako inspite na maraming umapak at nanghusga sa katauhan ko. Masaya ako sa buhay ko na bingay ng diyos ko, kasi maraming ulit akong nadapa pero maraming tumatayo sa akin. Sapat na sa akin ang bingay nyang mga magulang ant kaibigan. Blessing na sila sa akin. maraming pagkakataong humiling ako sa kanya, pero sa kasagutan wala ang aking hiling, ngunit nasa kasagutan pala na yung yung tama at makakabuti para sa akin. Sapat na sa akin yung pagmamahal na nadadama ko sa mga taong patuloy na nagmamahal at umiintindi sa akin. Mahirap magmahal sa totoo lang,pero sa lahat ang magmahal ang pinaka masarap. Masarap mag mahal khit minsan ikaw ang nasasaktan, pero wag kang mag alala senyales lang yan na totoo kang nagmamahal. "Love More Till it Hurts no MOre". .
Masaya ako sa katayuan ko ngaun. Sa kaibigan at tinuring na kapatid, sa kapamilya't kapuso, sa kalokohan at kaaway. Masaya ako kung anung meron ako ngayon. Sa lahat wala akong pinaggsisihan, sa kaibiguan at karangalan.Masaya ako dahil yung taong nasa paligid ko ngayon ang bubuo ng aking kahapon. ang siyang magbibigay ligaya sa aking pagtanda, ang magbibigay pag asa, ang makakasamang bumuo ng panagrap. Ang mga taong ito ang bubuo ng alala alng di ko malilimutan hangang pagtanda, alaalang ipagmamaalaki at pahahalagahan. Salamat kaibigan dahil naging bahagi ka ng aking ALA ALA...