Monday, January 21, 2008

Blessed

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging impak sa akin ng nakaraang Youth camp. Daming imosyun ang nararamdaman ko. Di ko akalain na mararamdaman ko yung "something" na sinasabi sa amin nila mama Raks nung kamiy mag youth camp. Ganito pala yung piling kapag alam mong me "anak" or aalagaing mga babies sa YFC. Napaka chalenging sa part namin ni Acey dahil sa iilang buwan na natitira para sa aming service, kelangan naming ipakita sa kanila or maipadama yung pagmamahal na nadama namin sa YFC. Napaka sarap tignan ng mga baby YFc na talagang buong tiwala silang nagshashare sayo at nagcacare sayo. Hindi ko maiwasang maging emosyoal pag nakikita ko silang masaya at nabibigyan ng pagkakataon na makauasp sila at maka bonding. Ngayon hindi na mahirap sa amin ni acey na maghanp ng papalit sa amin dahil ngayon palang sa pagtayo ng mga bagong YFC sa campus namin nakikita na namin na may patuloy na tatayo at mag papatuloy sa Henerasyong inalagaan at minahal ng aming mga inat ama sa YFC. Masyado pang maaga para masabi kong sinu sino sila pero ang masasabi ko lang ay natutuwa ako sa kanila at ibibigay ko talaga yung aking buong effort para maipakita sa kanila at maipadama sa kanila yung love na nadama namin nung kami'y nagsisimula pa lamang.

Tuesday, January 15, 2008


Sobrang daming blessing ang dumating sa buhay ko ngayong linggo pa lamang. Una na nga ito ay yung victorios naming camp kung saan ay may lima kaming bagong babies na aalagaan. Nakakatuwang isipin na yung inaakala mo na hindi na kayang maituloy dahil sa daming kakulangan sa preparasyon at man power ay magiging ganung kavictorious. Tunay ngang si God ang kikilos kapag pinagkatiwala mo lang sa kanya. Tunay na pinatunay ni God na talagang hindi nya kami pinpabayaan. Subrang nakakatuwang isipin na 21 lang kami sa camp pero naging malaking impak ito sa mga bagong babies namin. Subrang ang sarap ng piling na nagpapasalamat sayo ang mga bagong babies dahil naging sulit at subrang naging masaya sila during camp. At subrang nakakadurog ng puso pag naririnig mo sa kanilang mga bibig ang pangalan ng diyos, at ipagmalaki sa mga kaklase at kaibigan na YFC na sila. Subra lang talaga ako pinapabilib ni God. Gusto ko lang ihonor yung mga taong sumuporta at nagbigay oras para paglikuran yung diyos natin. Gusto ko lang Ihonor yung aming SERVICE TEAM.

Cedric- subra kong inohonor yung taong ito. Ginampanan niya yung pinakamahirap na trabaho sa Camp kung saan binuhos nya talaga ang kanyang oras para magawa nya yng kanyang tungkulin. Subra kong inohonor yung taong ito kasi kahit na wala siyang kapartner, di siya nawalan ng pag asa at nakarinig ng reklamo sa kanya. Subrang salamat Cedric.

Emman Espino- Ang cook at music min ng camp. Subrang inohonr ko lang yung taong ito kasi di siya tumanggi sa mga gawaing binigay sa kanya. Subrang salamat sa masarap na pag kain na inahain mo sa amin. Subrang inohonor kita kasi a pagbibigay mo ng oras sa camp ay nag papakita na todo ang supota mo sa YFC. Salamat

Emman Arroyo-isa in sa mga dapat na ihonor. Isa siya sa nagbigay saya at nagbigay ng malaking tulong sa paghahanda ng pagkain at pamamlengke. Ang pag gising ng maaga ay di biro. Subarng salamt kasi i kami nakarinig ng reklamo mula ayo. Salamat kasi nagbigay oras ka para makasama at mag serve sa camp.

Harris- Subra ko din ihohonor yung taong ito kasi nung enrollement ko lang siya nakilala at nung sya ay inaya para maging service team sa camp kahit na YFC siya sa ibang lugar ay di sya tumanggi sa alok ni god sa kanya. Subang kahono honor lang tiong taong ito kahit na di pa niya kami gaano kilala eh di sia nahiyang pakisamhan kami.

Edcha – sa pagtulong s kusina at siguridad ng camp. Sa pagpapasaya at pagbibigay oras sa camp

Jhec- sa oras na binigay niya sa camp. Sa pagmamahal at pangangalaga niya samga bata. Kahit bago pa lang siya sa campus based ay nagserve pa din iya sa camp. Ganun din si

Kris- na nagmahal at nangalaga sa aming mga babies, khit na tahimik siya hini ito naging hindrance para mahalin at pagsilbihan si God through that camp.

Jhem- sa pagbibigay oras at sa patuloy na pagseserve kay God through YFC. Di niy inalintana yung pagod at gutom. Patuloy pa din siya nagmamahal ng iba despite sa dami ng problema niya.

Ate mayz- sapatuloy na pagsuporta niya sa amin, kahit wala siya sa EAC ngayon inparamdam pa din niya yung pagmamahl niya sa amin. Sumama pa din siya at nagbiagy ng talk despite sa dami ng problemang dala nya at kakapusan ng pera. Hindi naging hadlang sa kanya ang kawalan ng communication sa amin. Salamat sa taong ito kasi sa pagbibigay pa lang ng oras nya sa camp ramdam na namin na mahl kami ni god.

Mama Rakz- sa patuloy din na pagsuporta, pagmamahal at pangangalaga sa amin. Sa mga advise niya at tulong sa amin sa pagbibigay oras at gabay sa patuloy na pagsama sa amin sa dasal. At walang sawang pagbibigay inspiration sa aming lahat. My ever dearest mother in yfc.

Tay fello- sa suporta at pag mamahal, sa pagkalinga at inspiration, sapagtulong hindi lang financial. Sa patuloy na pag agapay sa amin kahit SFC na siya. At ang patuloy na pags ama sa amin sa mga dasal niya.

Acey- sa patuloy n pagtayo niya kay kristo. Sa pagbibigay inspirasyon sa lahat. Sa patuloy na pagdarasal sa campus namin at sa mg taong mahal niya. Sa pagiging malambing at pagtitiyaga niya sa amin. Sa pagpapatawa niya sa amin at pagsuporta sa akin. My evrr dearest partner salamt at subrang ka honor honor ka.

Livy- sa atuloy na pagsuporta sa yfc. Sa alang sawang pagbibigay ng tulong, sa pagpunt niya sa camp kahit may sakit siya. Sa mga dasal niya at patuloy na pagbibigay ing inspirasyon sa amin.


At sa mga taong patuloy ang pagsuporta sa amin. Madaming salamat s tulong at dasal niyo. Madaming salamt sa pagpapakita sa amin kung gaano kami kamahal ni god. Subrang inohonor ko kayo. kay Gerald, Fjordz, Kuya Nik, kookoo,xena at Cy. At sa mga taong nagpagamit lang kay god para ibiagay ang talk at ibahagi yung mensahe at pagmamahal ni god.




Talk1- mama raks


Talk2- Kuya Nik


Talk3- Ate Mays


Talk4- Kuya Pao


Talk5-gj

First Leaderes of Asia Forum (FLAF)

The Youth Leadership and Social Entrepreneurship Program of the Ateneo School of Government,in partnership with the Ramon Magsaysay Awards Foundation, Ashoka:Innovators for the Public, and Ateneo de Manila University - Loyola Schools,
presents...
THE FIRST FUTURE LEADERS OF ASIA FORUM
17-19 January 2008Ateneo de Manila UniversityQuezon City, Philippines
“If young people do not grow up being powerful, causing change, and practicing these three interlocked underlying skills, they will reach adulthood with a self-definition that does not include changemaking and a social skill set that largely precludes it. Just as one must develop strong emotional foundations in the first three years of life or suffer for a lifetime, young people must master and practice these social skills and the high art of being powerful in and through society while they are young.”-Bill Drayton
* Di ako makapaniwala na ipagkakatiwala sa akin ng aming campus ang pagsama sa ganitong ka pristiyosong event na ito. Di ako makapaniwala na isa sa ako sa tatlo na isasama sa ganitong Forum kung saan makakasama ko yung mga mahuhusay na liders di lang ng ating bansa kundi sa buong asya na din. Di ako makapaniwala na sa daming liders na mas mahuhusay sa akin sa pamamalakad ng kanikanilang mga organisasyon ay ako yung pinili nila. Subrang nagpapasalamt ako sa pribilihiyong binigay nila at sisiguraduhin ko na hindi ko sasayangin yung pagkakataong ito. Gagawin ko ang lahat para makipagparticipate sa lahat ng activities nila. Sa 4 days na ipapalagi ko sa Ateneo sisiguraduhin kong walang masasayang at gagamitin ko kung anu man ang natutunan ko sa Event na ito.

Sunday, January 6, 2008

Maturity

Happy New Year. happy new me. Actuaally ang dami dami kong gusto idescover. Madami akong gusto malaman, gustong matikman at gustong maranasan. Napakarami kasing gumulogulo sa isian ko na parang di ako makokontento kung di ko nalalman ang isang bagay na yun.Minsan napapasama na nga yung iniisip ko. Actually kontento naman ako kung anung meron ako, sa mga kaibigan ko, sa lahat, ngunit sadya lang malikot ang isipan ko at di siya matitigil hanggat di nya ito nalalaman. Madami akong gustong madescover pero sa ngayon di ko pwedeng sabihin kung anu anu yun kasi baka maging masama ang tingin nyo sa akin. Hayaan nyo na lang siguro ako na unti unitiin ko yung mga bagay na un. Pero isa lang yung katiyakan dun, iba na ako ngayon yung bagong ako ay kagustuhan ko. Gusto ko na kasi mabago yung mga pananaw ko sa buhay, yung pag uugali ko pati na rin yung pamumuhay ko. Di ko nga lang alam kung yung pinili kong pagbabago ay makakabuti sa akin oh makakasama. Pero ang rason sa pagbabago na yun ay para sa akin to be mature enough. Gusto ko na kasi ngayon maging considerate sa lahat ng gagawin ko at maging mature sa mga ikikilos ko pati na sa pagiisip ko. Sa tingin ko kasi di na bagay sa akin yung mga pinag uugali ko nung nakaraang taon lalo na malapit na akong mawala sa pagiging teenager. Ibig sabahin tumatanda na ako, pero parang sa paglipas ng panahon ay parang napag iiwanan na ako, pawang walang pinag kakatandaan.
Ngayong Taon na ito pipilitin ko talagang maging mature and considerate this year. Piiling ko yun kasi yung kulang sa akin nung 2007. Maging mature lalo na sa mga pagdidisisyon lalo n hawak ko na yung YfC sa FEU-EAC. Ngayong pagpasok palang ng 2008 eh start na ang aming responsibilidad, actually mid pa lang ng year acting president na ako. Yung pangyayaring yun nagbigay sa akin ng bigat sa pasan kong krus. Sa panahong yun kasi di pa ako handa para kuhanin yung iiwan nyang pwesto, pero sa kadahilanang walang tatayo for that posisyon wala akong magagawa kundi harapin yung panibagong pagsubok sa akin lalo na sa sercice ko. Ngunit kahit na siguro nakakpressure at medyo nahihirapan na ako dahil sa bigat ng responsibilty na naka atang sa akin, siguro gagawin ko na lang yung mga bagay na sa tingin ng makakarami ay tama.
So help me GOD..