"Living... its only a process that makes you realize that you can become the great person you are, unique and high spirited, live it, it had all the pleasure you can think of... because you won't know when this proces will end, and tell you, IT'S DONE" before i 've lost but now I AM CHOSEN.
Sunday, December 5, 2010
15 things i want to say
1. sana wag akong pag ispan ng ganun, wala akong intensyon na ganun ang maramdaman mo
2. sana matupad ang mga pangarap natin
3. hinding hindi ko bibitawan ang covenant natin,
4. salamat sa pagtitiwala at pagmamahal, natutuwa ako at nakilala kita
5. hindi pa po ako aalis gagraduate lang po ako hindi mawawala.
6. sana maintindihan mo ang magiging rason ng desisyon ko.
7. sana maintindihan mo din kung bakit namin gustong gawin yun
8. dahil sayo, hindi na ako naniniwala sa first impression last
9. excited to know more about you
10. hindi po ako natatakot, mejo hindi ko lang alam kung paanu ako mag sisismula.
11. ni minsan hindi ka nagparamdam ng suporta sa akin, puro na lang ang maling nagawa ko ang nakikita mo, i hate you for that, hehe
12. salamat sa pakikinig at advice, dahil sa inyo natuto ako maging transparent. mamimiss ka namin sa hindi nyo na ituloy balak nyo next year
13. hindi ko alam ang dahilan ng pagbabago ng trato nyo sa amin.sana matuto din kaung maging transparent. try nyo po mag paturo kay #12 baka makatulong siya sau.:)
14. natutuwa ako pag nakikita kita lalo na pag ngumingiti ka.:)
15.salamat sa suporta at tiwalang binibigay mo. na appreciate ko lahat ng nagawa mo. :)
( dahil pinahirapan ako manghula ni sir jb sa post nya: http://jcbanzuela.blogspot.com/ . ako din pahihirapan ko din kayo. hehe)
Wednesday, December 1, 2010
Happy Thoughts 1
After ng concert pumunta kami ng technohub. Ito ang una kong pagkakataon na makapunta sa lugar na yun. Doon kami ay nag gabihan, ang sarap ng araw na yun kasi libre ang naging dinner namin. After ng malulupit na asaran at tawanan. umuwi na din kami. Kakaibang experience din ang inabot namin pag uwi. Nakakatuwa kasi kahit sa jeep puro asaran at kulitan ang ginawa namin. Nakailang sakay din kami ng jeep hanggang sa makarating sa bahay ni sir jb. Ang saya ng piling pagdating namin sa bahay nila sir. Ang ganda ng tanawin, ang gandang pagmasdan ang himpapawid. Nakakarelax ang mga tanawin, Ang sarap pagmasdan ng mga ulap na akala mo isang cotton candy na umiikot sa himpapawid. Nakakatuwa ding pagmasdan ang mag bituin at buwan na parang kumakausap sayo sa tuwing akoy napapatanaw. Naging masaya ang stay namin sa bahay nila sir, doon lumabas ang pagiging madaldal ko, na kahit ako nagulat kasi sa subrang daming kwento at gusto kong sabihin parang napuno ako at kusang sumabog sa oras na yun. Subrang masaya ang araw ko kasi yung araw na yun, nakilala ko sila sir, nakagaanan ng loob, at nakilala ko ng husto ang mga taong sinasamahan ko.
Umabot ng madaling araw ang aming kwetuhan, halos mag aalas singko na ata nung kami ay nag kaayaan ng magpahinga at matulog. Sa subrang dami naming napagkwentuhan, halos napagod kami kaya halos late na din kami nagising.
Subrang saya ng araw na yun. Nakakapang hinayang nga lang kasi wala ang iba. Malungkot man, ngunit kinailangan namin na umuwi para makapag pahinga ng maayos, nag kataon din kasing may preaching na gagawin si sir sa church nila. Masaya ang naging araw nayun, kaya pinili kong iblog. :) ayaw ko kasing makalimutan ang mga ganung pangyayari na minsan lang mangyayari sa buhay ko.:)
::diary ba ito o blog.? hehe
10:00: sa bahay
gutom, hindi pa ng didinner....:)
Thursday, November 25, 2010
YOU ARE LOVED (DON'T GIVE UP)
Monday, July 19, 2010
Sunday, July 18, 2010
REKRUT
July 16,2010, Friday, kasama sila Jerome, Sam, Paolo, Paul at Amiel nanoud kami ng REKRUT isang Indie film na kasali sa Cinemalaya. Ito ang una kong pagkakataon na makakanuod ng isang Indie Film. Mahilig ako manuod ng pelikula lalo na kung ang pelikulang ito ay may suspense at komedya. Pinili kong sumama sa mga kaibigan ko na manuod ng isng indie film, hindi agad ako nag dalawang isip na sumama, hindi pa kasi ako nakakapanood ng isang indie film. Kaya agad akong umoo, isang oportunidad para makilatis at maranasan ko ang mapanood ang mga sinsabi nilang “low cost movie” ngunit pumapantay sa mga bigating pelikulang pinaggastusan.
Ang REKRUT ay hango sa tunay na pangyayari ito ay pinangununahan ng mga karakter na sina Emir ( Joem Bascon) at Lando ( JM De Guzman). Sila emir at lando ay isa lamang sa mga sundalong binuo ng mg military forces para sa isang classified operation. Ngunit ang samahang ito na binuo ng isang katapatan na paninilbihan ay siya ding sumira sa kanilang pangako ng katapatan.
Bilib ako sa twist na binigay nila sa pelikula. Nung una parang boring ang pelikula ngunit habang tumatagal nagkakaroon ka nang interest para tutukan ang mga susunod pang pangyayari. Kahanga hanga din ang mga artistang gumanap sa pelikulang iyon na kinabibilangan din nila Emilio Garcia, Alwyn Uytingco,Domonic Roco, Alchris Galura, Cj Ramos, Manuel Chua,Archie Adamos at Rob Sy. Tunay na kahanga hanga ang pagkakaganap nila sa mga karakter ng pelikula. Naroron din si Maxene Magalona na gumanap ng isang cameo role. Isang kahanga hanga ang pelikulang Rekrut. Tunay nilang binigyan ng buhay pelikulang pinoy.
Isa pa sa hinahangaan ko ngaun sa mga indie film ay ang mga artistang nagpapabayad lang sa murang halaga at minsan pa nga libre lang. Nakakabilib din ang mga produsyer na hindi natakot sumugal para lang matustusan ang mga gastusin ng pelikula. Kahangahanga din ang director ng pelikula na si Danilo Gomez Anonuevo na siya din ang sumulat nito.
Ako ay humahanga at patuloy na susuportahan ang pelikulang CINEMALAYA. Mabuhay ang pelikulang PILIPINO.