Wednesday, December 1, 2010

Happy Thoughts 1

Last November 27, 2010 sumama ako sa isang concert, kasama ang bago kong pamilya na nabanggit ko nung nakaraan post ko. Muli kong naranasa ang tumalon at mag praise and worship. Matagal ko ng hindi nagagawa ang mga bagay na yun, kaya natutuwa ako nung may nag invite sa akin para makasama sa kakaibang experience na yun. Masaya ang naging concert, lalo na kapag kinakanta yung mga kantang alam ko, ramdam ko nga ang pagiging matanda ko na sa mga ganun kasi mga luma na ang alam ko, at ang mga bago hindi ko na alam. Subrang kakaiba ang naramdaman ko nung mga araw nayun.


After ng concert pumunta kami ng technohub.  Ito ang una kong pagkakataon na makapunta sa lugar na yun. Doon kami ay nag gabihan, ang sarap ng araw na yun kasi libre ang naging dinner namin. After ng malulupit na asaran at tawanan. umuwi na din kami. Kakaibang experience din ang inabot namin pag uwi. Nakakatuwa kasi kahit sa jeep puro asaran at kulitan ang ginawa namin. Nakailang sakay din kami ng jeep hanggang sa makarating sa bahay ni sir jb. Ang saya ng piling pagdating namin sa bahay nila sir. Ang ganda ng tanawin, ang gandang pagmasdan ang himpapawid. Nakakarelax ang mga tanawin, Ang sarap pagmasdan ng mga ulap na akala mo isang cotton candy na umiikot sa himpapawid. Nakakatuwa ding pagmasdan ang mag bituin at buwan na parang kumakausap sayo sa tuwing akoy napapatanaw. Naging masaya ang stay namin sa bahay nila sir, doon lumabas ang pagiging madaldal ko, na kahit ako nagulat kasi sa subrang daming kwento at gusto kong sabihin parang napuno ako at kusang sumabog sa oras na yun. Subrang masaya ang araw ko kasi yung araw na yun, nakilala ko sila sir, nakagaanan ng loob, at nakilala ko ng husto ang mga taong sinasamahan ko.
Umabot ng madaling araw ang aming kwetuhan, halos mag aalas singko na ata nung kami ay nag kaayaan ng magpahinga at matulog. Sa subrang dami naming napagkwentuhan, halos napagod kami kaya halos late na din kami nagising. 


Subrang saya ng araw na yun. Nakakapang hinayang nga lang kasi wala ang iba. Malungkot man, ngunit kinailangan namin na umuwi para makapag pahinga ng maayos, nag kataon din kasing may preaching na gagawin si sir sa church nila. Masaya ang naging araw nayun, kaya pinili kong iblog. :) ayaw ko kasing makalimutan ang mga ganung pangyayari na minsan lang mangyayari sa buhay ko.:)




::diary ba ito o blog.? hehe




10:00: sa bahay
gutom, hindi pa ng didinner....:) 

4 comments:

JB said...

haha masaya kasi may nakatabi kang jejemon sa jeep. punta ulit kayo sa bahay may christmas lights na si foreigner

dAniLoW said...

hindi ba pdeng mag-like dito? :D
nice champ!

Zishamyn Hope said...

Jhonard!!!! ang saya namn ng kwento mo... feeling ko super kulit mo pero ikaw lang nmn kinukulit nmin... hhahah

JB said...

jun sayang walang like dito. haha pero nakakamis yung sabado at lingong iyon no jazt?