"It Doesnt Show" di ko malimutan yung word na binitawan ng isang youth heads nung panahong nag kasagutan kami. Nagsimula ito nung di ako nakapunta ng aming Household kasam si gerald hawsmate at EVP din tulad ko. Naging mahirap sa akin intindihin nung mga oras na yun yung mga prinsipyo ni kuya ___. Di ko nakita yung logic kung bakit ganun na lang yung naging reaction nya sa nangyari. the story goes like this....
Wednesday, December 5, 2007 magaganap sana yung lingguhang Hawshold ng EVP pinamumunuan ito ni kuya Mj isa ding Youth Heads. Monday pa lang kung saan nagkita kami ni kuya mj sa perpetual kung saan umatend kami ng prayer miting nasabi na ni kuya mj na baka wala daw kaming HH ,kung saan natuwa ako di dahil ayaw ko mag HH,nagkataon kasi na natapat ng thursday ang aming Midterm sa Elex isang major subject, so di talag ako makakpunta kasi kelangang magreview. Pero nung dunating ang tuesday night bigla na lang nag text si kuya kj at nagsabing tuloy daw ang HH ngunit di siya ang maghehead kasi sa kadahilanang Graduation niya. Nalungkot ako kasi di ako makakpunta, kaya agad akong nagsabi sa kanya na di talaga ako pupunta. Sumagot naman siya ng "OK" So naging ok na sa akin pero nung dumating ang wednesday kung saan HH day namin, nagkataong di din makakapunta ang mag kjasama ko sa HH kung saan na kin init ng aming mga heads. nagtext si kuya mj na naghihintay na daw yung secret head namin na kung saa di namin talaga alam kung sino. at s adulo ng text nya nasabi nya ang "effort naman" na di ko nagustuhan. Dapat magrereply ako sa text nya para dumepensa dahil kung effort man ang pag uuusapan dapat ang HH ng EVP laging kumpleto. Pero di ko ito ginawa isinalan alang ko yung isang impotanteng araw sa buhay niya ang, graduation. Ngunit nga 5:30 ng hapon biglang nagtext si kuya ____ na galit at pinapaalala lahat ng tughkulin namin bilang EVP sa HH namin at nasabi nya dun na " HH ba ng EVP to IT DOESNT SHOW" naginit agad ang tenag ko dun kaya bigla ako nag reaply at dun na nag simula ang napakahaba naming pagtatalo.
Sa katunayan nakakasakal talaga yung mataas na expectation ng ibang tao, dapat patunayan mo sa kanila na isa kang responsableng leader kapalit ng pagtanggap namin ng service namin ngayon. Ngunit dumating sa panahon na napagod ako, at nasakal na sa mga DOs and DONT nila. Madami talaga akong ayaw sa mga rule ng nila, este gusto ko yung mga rule ayaw ko lang ng pmamalakd nila para sundin yung mga rule na yun. Nkakatamd kasi sumunod kung yung leader mo na nagsasabi na dapat ito yung sundin mo eh sila pa yung nagugunang sumuway. Nasakal ako totoo sa mataas na expectation nila na dumating sa pagkakatong ayaw ko na. Di ko painakita sa kasamahan ko sa bahay kung anu yung nangyayari sa kin, nagpanggap ako na kunwari nasa peak pa din ako ng sevice ko. Pero maskara ko lang yun, ang totoo susuko na dapat ako. Dami kong kaswayan at kasablayang ginawa na tingo ko sa mga taong mamalapit sa akin. dumating sa panahong gusto ko ng baguhin lahat, pati pananw ko. Gusto kong gawin yung mga ginagawa ng mga karaniwang ginagawa ng pang karaniwang studyante sa PANAHONG ito. Sablay kung sablay pero yun kasi ang naramdaman ko nun. Nagawa ko yung mga bagay na di iisipin ng ibang tao na mgagawa ko. I admit naging sinner talag ako peo nagtatago lang ako sa maskara ng isang mapangahas at nasasakal na lalaki. lumubos na ang kasablayan lumubog na ang katahimikan.
Pero di ko kinaya. Di ko kinaya na iwan yung mga taong nagturo sa akin ng madming bagay. Di ko kayng iwan yung mga taong naging kapatid at totoo sa kin. Di ko pala kayang lokohin yung mga taong sa araw araw ay nakakasama ko at nagsilbing kapatid na para sa akin. di ko kayang lokohin at dayain yung nasa puso ko. Mas lalo na di ko kayang mawala at iwanan ang diyos na subarang nagmamahal sa akin. Ngayon pinipilit kong baguhin yung mga bagay na naadopt ko a mga taong samantalang sumama sa akin, at pinipilit kong ibalik yung pagtitiwala na binigay ko dati sa mga taong di nang iiwan sa akin. Ngayon akoy nagbabalik at pipiliting di na muling maramadan ang pagiisa at kalungkutan nadama nung mga oras na akoy nagpadala sa liwanag ng kasamaan.
Ngayon naiintindihan ko na sila(youth heads). Tamang CONCERN lang pal talga sila sa mga nasasakupan nila at wala silang ibang gusto kundi mahalin at intidihin din sila tulad ng pagmamahal at paiintindi nila sa amin. Di dapat ako sumusko o nagpapinpluwensyaNgayon narealize ko na ang bituin ay di lang pala isang palamuti sa langit nagsislibi din pala silang isang gabay at liwanag sa madilim na daan. Nagsisilbi din silang instrumento para mangarap at isang simbolo ng isang pag asa. Sila nagyon ang bituin ko at sa susunod gagawin kong magong isang bituin din ng ibang tao. Noon nawala ako at nagsilbing patay na bituin sa kalawakan pero ngayon pipilitin kong maging isang bituing kikislap at nining ning sa mga buhay ng mga tao. I am lost but i am chosen..
i am your star!!
and i am chosen!!!
6 comments:
kahit marami tayong kasablyan, nagiging ok ang lahat as long as narerealize natin yung mga pagkakamali na yun.. lakas ko magsabi nito nu pero ako mismo hirap kung minsan gawin yun.. basta.. kung sincere ka sa mga pagkakamali mo, ok ka.
http://hiraya.co.nr
ilang buwan n lang ikaw n ang yfcea president..more pressure, more expectations, more trials, and more temptations ang ddating..for sure un. for me it's ok n sumablay k, basta make sure n mtututo k s naging sablay mo..i'm so proud of u nak..i'm so proud s inyo nila acey at livy.kung ako p lang ganito n ka-proud, lalo n cguro c God..
basta always remember, it's now my lifetime commitment to be ur mama..together with our God, we will stand for Him..oki?God bless..=)
champ di ko makita shoutbox mo... or baka nawala or ewan.. Merry Xmas brad!! regalo ko ah hahahah! dito na ko samar! bukas uwi kami leyte...
http://hiraya.co.nr
test...
okay okay... hmmm, ganun talaga, nagiging dry din tayo... nasanay din kasi ang mga tao na attendee ka lagi.. tipong, issue pag wala kaming nakikitang champ...
marami ang sumasaludo sa service mo, pero mas sumaludo ako sa panahon na hindi ka umatend sa household para unahin ang mga gawain sa school na kelaqngan mo talagang unahin... hindi naman nangangahulugan na dahil wala ka nung hh e hinuli mo na ang service, alam ni God yan...
cool lang, next time wag din tayo banat ng banat sa mga youth heads, napepressure din yang mga yan... ang kelangan lang natin ay magsabi ng mga valid na rason kung bakit aabsent tayo..
garabe, saludo ako sayo...
natutuwa din ako na nagstay ka sa camp para suportahan kami... nagrereview ka pa at the same time... pasensya na, di na kita nakumusta... hindi pa naman ganun ka-okay pakiramdam mo...
anyway, natutuwa akong kahit papaano naturuan kitang mag-photo edit... sorry, medyo busy din kasi kaya hindi kita natutukan...
ahaha... naeexcite ako sa mga outcome ng edits mo...ΓΌ
fjordz, mag-aral ka na din... maO-OP ka na samin tatlo.. juk... ahaha!
merry christmas
Post a Comment