Saturday evening na ako nakapunta sa camp ng PUP. Hapon na ako nakapunta ng camp ng Pup kasi naghakot na kami ng mga gamit namin sa marzan. 11:00 nagstart kami maghakot by 4:oopm natapos ang aming paghahakot. 4:30 umalis na akong bahay para pumunta sa camp ng PUP pero wala akong kaalam alam sa lugar ng venue. By text nakuha ko yung location. While in the journey (wahaha journey na talaga) kinakabahan ako syempre wala akong alam sa place kahit na ba na napuntahan ko na yun dati. Pero malakas ang loob ko na sumabak sa mga ganung challege. haha Mga mag 6:oopm nakarating ako sa pasig rotonda kung saan dun ang unang pitstop ko. Sumakay ulit ako jeep papuntang marikina, yun kasi ang sabi sa instructiong binigay nila sa akin. Sakay daw ako ng jeep and baba sa stella mariz sa tapat ng mightymart, ako todo sabi sa driver na ibaba ako sa stella mariz pero ang nangyari, talo! Nakarating ako ng manggahan bridge malapit na sa marikina "tutut na man kasi ang driver oh". Binaba naman nya ako sa sakayan pabalik ng pasig tinuro yung tamang sakayan at sasakyan. "wow tamang concern kunwari si manong." Sumakay naman ako sa jeep na sinasabi nya pero this time sinigurado ko na bababa na ako sa tamamg daanan at makakarating ako ng maayos, kinulit ko lang sya ng kinulit na ibaba ako sa stella mariz. haha "ayoko na sumakay ulit noh". Nakarating naman ako sa stella mariz and along the way nakasalubong ko si ate Tin at iyon kwentuhan toda max ako about sa nangyari sa akin.
Nakarating ako sa venue. Astig nakakagulat ang dami ng partuicipants 58 silang lahat. Doon nakita ko sila kookoo na busy sa ka 1-1's. Wala kaming ginawa ni ate tin kundi kumata. "ang mga ibon na lumiliban ay mahal ng diyos di kumukupas ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng diyos di kumukupas wag ka ng malungkot, lets praise the lord" hehe kulit lang kasi till now LSS pa din ako sa kantang iyan. At atlast nagkita na kami nila xena at natpos na din mag 1-1's si kookoo after jurasic days. Wala lang at namiss ko lang yung tropa kong ito sayang nga lang at kulang kami wala si fjordz kay tuloy "apa dapa, dap apa" lang kami. hehe Naging ok ang gabi ko sa camp daming nakilala at boung gabi akong nakipagkulitan sa mga taong dun ko lang ulit nakita. Dumating din yung mga master ng FEU sila khen, nestea, jhom,at richard. Nag music min ako wahaha wala lang me magawa lang dun. Naging masaya kahit na dahil sa subrang dami nila wala ng maikanta ang lahat. Naging ok ang lahat naging masaya, naging fruitful naman yung unang gabi ko sa pup, satisfied naman ako sa hirap at layo ng venue.
Kinabukasan mga 3 na yata kami natulog nun (di ko xur). Natulog kami sa sahig na ang tanging sapin ay yung kurtina. "salamat sa matabang utak ni kua nik"hehe di nga kami nadumihan meron tagos pa din ang lamig sa katawan namin kaya ang bagsak, nakapalupot kami natulog. hehe Maaga kaming gumising para makapag morning worship. Bangag kaming lahat dulot ng lamig at puyat. Natapos ang worshi, balik ulit sa dati, antok na antok na ako pero di na ako ulit natulog naglibang na lang ako at nakijoin sa bonding ng mga piyo. hehehe epal lang. masya kasama tong mga piyo di halata sa mga tatay at nanay nila, ang kukulit manang mana sa pinag manahan.
Natapos ang camp ng PUP , naging astig ang camp, xubrang saya and dami ko ulit nakilalamg pupian, sila ryan, ein at derick sila yung mga pinray over namin. nakaka hinayang umalis sa camp pero me kailiangan pa kaming puntahang kasangga "diyos ko day, mahaba haba ulit lakbayin ito" pero tama nga naging nmahbang lakbayin ang inabot namin. ito p nga't alalang alala ko,
pasig to parkway chapel
PUP camp nag jeep papuntang rotonda tapos
rotonda jeep uli papuntang MRT shaw tapos
MRT baba kami ng north ave tapos
north ave jeep ulit kami pasakay sa frisco tapos
quiapo jeep uli pa frisco at tapos
3rd eye bar tricycle kami papuntang parkway.
haaaaaaaaaaay grabe di ko kinaya yun ah. Pero naging masaya ang journey n yun hehehe bonding moment yun kahit na mainit at mahabang lakaran. nyak nyak. Dumating kami ng parkway na mga bangag at muntik munitik k ng tulagn ang kasangga hehehe. Naging maganda ang resulta ng kasangga. Naging ok ang araw ko. hayy nakaka baliw na araw pero napakasarap sa puso.
1 comment:
ahaha.. sikat din pala ako sa blog mo e..yeah, after jurassic days...
at makulit na nanay at tatay pala ha.... ahehe... adek! teka, kumusta nga yun nilaklak mong C2? ahaha!
teka, reminisce lan, astig nun tongues workshop ni tatay lee no? ahehe...ΓΌ
Post a Comment